Thursday, August 21, 2008

KINAIN MO ANG SAUSAGE KO!!!

da who itetchuang couple na itesh na kakalipat lang ng haybols eh may i-create na agad na bonggang-bongga na kahaselan sa kanilang neighborhood??!

ayon sa aking source na kalapating pinaglihi sa uwak (na mababa minsan ang lipad), itong couple na itago na lang natin sa bonggang code na David at Viktoria Beckham ay nakihang-out diumano sa kanilang friendly neighborhood na couple din na sina Bong Revilla at Lani Mercado. but of course, may i-welcome ng warm na warm nitong si Lani sina Beckham family at may bonus lafang pang inihain sa sahig (walang dining table dahil chinese pala itong si Bong. ha??) naghain itong si Lani ng cake, macaroons at sausage na lasang tinapa, para pagsaluhan sana nila. but oh no, nilafang ito ng mag-jowa as if galing sa football game of the world! muntik nang di matikman ni Bong ang delicious na sausage dahil sunud-sunod ang subo ni David, sarap na sarap na parang na-forget na nya ang friendships sa paligid nya.

at syempre when you're busog na sa lafangish, masarap matulog after. at yun exactly ang naging trip nitong si David. yes, humilata na parang tinamaan ng kamao ni manny p. itong ating bonggang bida. well of course, with Viktoria sa side. meaning, rumelax na sila ng todo to the highest level sa higaan ng kawawang mga natives. si Lani?ayun, may i-sit on the cold floor na kumakalam ang sikmura.

clue? hindi nila kamukha sina David at Viktoria Beckham.

tsuk!

- Boi_angaz

3 comments:

inihaw_na_pusit said...

HAHAHAHAHA yun lang. sayang at hindi ko naabutan ang sausage. hehehe

keira_daily said...

di naman malakas kumain si "Viktoria Beckham" eh...

inihaw_na_pusit said...

yun ang akala mo... hahaha