Monday, July 28, 2008

eh... payag ka suntukan? baket, baket? ha?

at dahil 'di na kinaya ng mga lola nyo ang overflowing chismax to the max na nagaganap... kinailangan nang isulat ang blog na itech. ^_^" hahahaha!

so, kamusta naman yun? dahil kadalasan ay 'di mo na kailangang magtanong para makasagap ng mainit na pandesal, este. chismis pala, at dahil super talaga ang closeness ng mga lolo't lola niyo sa istigidig barkada, nauuna pa kay tito boy abunda ang pagkalat ng chismis ditech sa isolated na tropahan. at kung nanjan si gossip girl sa eletistang lipunan ng manhattan, nandito naman si gossipboy sa "party-like-craaazy!" na sulok ng elbi. nagulat din ako dahil alam ko pala ang buong alphabet ng karelasyones na isinulat ni emz_rita.hehe pero sige, ewan din kung bakit ito ang napili kong isulat.

tungkol ito sa isa sa mga wala-tayong-choice pero mainstay ng itstigidig. no offense sa boylaloong ito, pero sa tingin ko pati si gossipboy agree na medyo socially incapacitated 'tong "tropang" itech. naiwan ata sa stone age ag social skills ng lolo mo... so, si "d2" ay "one-of-the-gang" or at least he insists himself to be part of it. medyo matagal na din ang residency niya sa tropahan. mawawala minsan pagkatapos badtripin ang isang tropa, pero babalik din after a few days, changed man pero dala pa din ang 3 kilong kahaselan na sobra-sobra para sa buong tropa. una ata itong nag-cameo appearance sa earlier seasons pa, matapos matabla ng mga batchmate niya nung high school. dahil cool ang tropa, tinanggap nila(parang dumampot ng bato at ipinukpok sa ulo nila). todo party din ang effect nito, at pagkatapos ng madaming alkohol at kung ano-ano pang intoxicants, bigla nalang mage-evolve and before you knew it, "andyan na mga hapon! takbo!!!".hahaha! pero 'di lahat ay kaya ng bondying na ito, ilang beses at ilang tropa na rin ang nagsabing "suntukan na lang!". sabay gulong bigla ang balls niya, at kakausapin ka bigla sabay tanong kung ano ang problema. sabi nga ng isa sa mga pinaka-chill pero sumabog gawa ni d2, "aaaarrrgghhh! ano 'to girl talk?!!!!!". stuntman din pala 'to, sinubukang lumipad mula isang skyscraper sa malawak na bukid at nagkabali-bali ang ilang buto, dumampot ng bubog at sinubukang hiwain ang sarili ng pigilan ng tropa sa pag-ihi sa pinto kaya mutik na tuloy masuntok ng may-ari ng istigidig, nahuling nagma-mar****na sa field kasama ang isang tanga ding tropa at muntik ng mabutas ang tewush sa loob, at madami pang mga napakapakyung bagay.

ayon, medyo badtrip din talaga sa kanya ang mga tao lately dahil sa ilan pang dosages ng kahaselan. kaya nang malasing ang isang tropang medyo nahahasel na din, naghamon ito ng suntukan sa loob ng istigidig. "ano, payag ka suntukan? baket, baket? ha?" hahaha! sobrang napraning si d2 kaya umaapaw na ang chaser habang isinasalin niya sa baso.hehe 'di nman ako galit dito dahil okey naman siya pag minsan. tingin ko lang kelangan nito ng isang major attitude makeover. kaya sabi ni gossipboy, eh kung walang malakas ang loob na palayasin si d2 sa tropa, eh tiisin niyo nalang ang moronic existence ng taong ito. haha!=D

hehe naalala ko pala, ayon kay gossip boy: YOYO, you know i love you. -gossipboy

hahaha!=D emz_kira

3 comments:

keira_daily said...

clear as crystal.yun na yon!hay... kinubli-kubli pa e detalyado naman ang chika!

mga kabataan nga naman...

gossipboy69 said...

hmmm... at sino naman 'tong nagtataray na keira_daily na itich? hehe

keira_daily said...

isa akong langgam!mahilig din ako sa fruits. atsaka kanin na may atsara. pero sa ngayon, type ko ay fruits :)